Duterte: Covid-19 vaccine, dapat ituring na ‘global public good’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang pangangailangan ng patas na access ng lahat ng mga bansa para sa Covid-19 vaccine.

When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy (Kapag matagpuan na ang bakuna, hindi ito dapat ipagkait. Dapat itong maging available para sa lahat, maging mayaman o mahirap na bansa bilang palisiya),” giit ng pangulo sa kanyang pre-recorded speech na inere sa 75th UNGA noong Setyembre 23 (Philippine time).

Bagama’t nagkukumahog ang mga mayayamang bansa sa pag-develop ng nasabing bakuna, sinabi ni Duterte na dapat itong ituring na isang “global public good” nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan at pagiging epektibo.

Dagdag pa ng pangulo, “Ensuring universal access to anti COVID-19 technologies and products is pivotal in the global pandemic recovery (Ang pagtiyak para sa universal access ng anti Covid-19 technologies at mga produkto ay mahalaga upang makabangon mula sa pandaigdigang pandemiya).”

Pinasalamatan naman ng pangulo ang mga frontliners at healthcare professionals na nagbuwis ng kanilang buhay upang sugpuin ang Covid-19. Nakiramay din ito sa mga pamilya sa buong mundo na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa nakamamatay na sakit.

Covid-19 knows no border. It knows no nationality. It knows no race. It knows no gender. It knows no age. It knows no creed (Walang kinikilalang hangganan ang Covid-19. Walang knikilalang nasyonalidad. Walang kinikilalang lahi. Walang kinikalalang kasarian. Walang kinikalalang edad. Walang kinikalalang paniniwala,” pagbibigay diin ni Duterte.

Sinabi ng pangulo na nakadepende ang kinabukasan ng mundo kung paano tutugunan ng mga bansa ang krisis pangkalusugan na nakaapekto sa mahigit 31 milyong katao at kumitil ng 966,000 na mga buhay sa buong mundo.

Kinilala din nito ang paglulunsad ng UN Covid Response and Recovery Fund, na layong tulungan ang mga bansang naparalisa ang ekonomiya buhat ng pandemiya.

LATEST

LATEST

TRENDING