DSWD, may natitira pang P10-B pondo mula sa SAP: Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

May natitira pang P10 bilyon ang Department of Social Welfare and Development mula sa pondo nitong inilaan para sa ikalawang bugso ng social amelioration program (SAP), batay sa napag-alaman ng Senado tungkol sa badyet ng ahensya para sa 2021 badyet noong Setyembre 22.

Sa ginanap na pagdinig, iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may tinatayang P10 bilyong nakatenggang pondo ang ahensya na mula sa ikalawang bugso ng SAP.

The budget allocated in Bayanihan 1 was for 2 tranches for 18 million families? Now you mentioned that the 2nd number of SAP you reduced to 14 million families (18 milyong pamilya ang nabigyan nang dalawang bugso mula sa badyet ng Bayanihan 1? Ngayon sinasabi ninyong nabasawan ang SAP sa 14 milyong pamilya),” ani Recto.

Habang ipinepresenta nito ang proposal para sa 2021 budget, sinabi ng DSWD na nakapag-disburse ito ng P83.1 bilyong mula sa P94.5 bilyong SAP funds.

Napag-alaman din sa pagdinig na 14 milyong pamilya lamang ang nabigyan mula sa ikalawang bugso ng ayuda mula sa naunang 18 milyong pamilyang itinakda.

Ipinaliwanag ni DSWD Secretary Rolando Bautista na 14 milyong pamilya lamang ang nasa listahan, batay sa impormasyong ibinigay ng  local government units (LGUs) para sa ikalawang bugso ng SAP.

We would have wanted to give the full 18 million during the 2nd tranche. But the LGUs have just submitted some 14 million and I would like to mention that out of the 8.5 million [beneficiaries] waitlisted, which they are supposed to submit, they have only submitted 5.1 million beneficiaries (Nais naming bigyan ang 18 milyon sa 2nd tranche. Subalit, 14 milyon lamang ang isinumite ng LGUs, at 5.1 milyong benepisyaryo lamang ang kanilang isinumite mula sa 8.5 milyong waitlisted beneficiaries),” tugon naman ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag sa tanong ni Recto.

Ang ilang mga benepisyaryo aniya ay binilang bilang “double compensation” at tinanggal mula sa listahan.

Subalit, iginiit ni Recto na mas maraming pamilya ang nangangailangan mula sa ikalawang bugso ng SAP dahil marami umano ang nawalan ng hanapbuhay ngayong panahon ng pandemiya.

Aniya, “It’s a shortfall and based on the appropriations so merong 4 million nakatanggap isang SAP lang. May 4 million na hindi nakatanggap ng second tranche, and you know the SAP 2 is even more important kasi yung SAP 1 nawalan ka na ng trabaho. ‘Yung SAP 2 continuing din yan walang trabaho at lumaki ‘yung unemployment diba? And poverty incidence is on the rise I suppose.”

Hinihintay ng ahensya sa ngayon ang utos ng Department of Budget and Management kung ibabalik ba ito ang pondong hindi nagamit sa National Treasury.

Binanggit naman ng DSWD na posible itong magamit para sa livelihood programs, alinsunod sa pahintulot ng Office of the President. 

Gayunpaman, iginiit nina Senador Recto, Nancy Binay, at finance committee chairperson Imee Marcos na dapat ilaan ang nasabing pondo bilang ayuda, dahil maraming mahihirap ang hindi nakatanggap mula sa SAP.

LATEST