Roque: ‘New normal’ sa ilang lugar, posible nang maranasan sa Oktubre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Posible nang sumailalim sa “new normal” ang ilang mga lugar sa Oktubre, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 21 habang kinikilala na halos wala nang Covid-19 transmission sa ilang bahagi ng bansa.

Mag-iiba aniya ang mga patakaran ng community quarantine para sa Oktubre, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal.”

“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, patuloy na nagtatala nang daan-daang mga kaso ng Covid-19 bawat araw ang Pilipinas bagama’t nagpatupad ang pamahalaan ng isa sa mga pinakamahaba at pinakamahigpit na lockdown sa buong mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING