Pagbubukas ng Baguio sa mga turista, naantala dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases sa lungsod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mau Victa (Rappler)

Posibleng maantala nang isang linggo ang pinakaaabangang pagbubukas ng summer capital para sa mga turista dahil sa pagkakatala ng pinakamataas na spike ng Covid-19 cases sa Baguio City.

Itinakdang buksan ng lungsod ang “travel bubble” nito para sa mga turista mula Ilocos Region simula Setyembre 22.

Subalit, inanunsyo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Setyembre 21 na bagama’t itutuloy ang launching, ang opening ay ipo-postpone dahil sa pagkakatala ng 43 na mga bagong Covid-19 cases sa lungsod noong Setyembre 20.

“Actual execution will probably happen next week kasi may inaayos pa ang ibang provinces sa sistema. At the same time, sa Baguio may outbreak dito sa 2 barangays,” ani Magalong.

Nakapagtala ng 43 na mga panibagong kaso ng Covid-19 ang lungsod kaya’t napilitan si Magalong na ipasailalim sa 14-day hard lockdown ang barangay Lourdes Subdivision Extension at Ferdinand.

Ayon kay Magalong, na siya ring contact tracing czar ng bansa, ang mga pag-akyat sa kaso ay dahil aniya sa mga mass gatherings.

Samantala, sinabi naman ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire noong Setyembre 21 na mino-monitor nito ang paggamit ng antigen tests ng Baguio upang matukoy kung puwedeng gawing opisyal ang paggamit ng nasabing Covid-19 testing tool alinsunod sa rekomendasyon ng World Health Organization na gamitin ito para sa border travel.

LATEST

LATEST

TRENDING