Kamara, igagalang ang desisyon ni PRRD tungkol sa term sharing ni Velasco at Cayetano bilang Speaker: Rep. Yap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap

Igagalang umano ng Kamara ang kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa term-sharing agreement na binuo nito para kay House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. 

Itinakdang maglilingkod si Cayetano bilang Speaker sa loob ng 15 buwan o hanggang Oktubre, bago ito palitan ni Velasco.

“Siguro bago dumating iyong November, magsasalita ang ating Presidente at kung ano mang sasabihin niya, ano man iyong mapagkasunduan ng majority namin dito sa Congress, gagalangin namin iyon,” pahayag naman ni House budget panel chair Eric Go Yap.

Ayon kay Duterte sa isang pagpupulong kasama ang mga lider ng Kongreso noong Setyembre 16, “Kawawa naman si Lord.” 

“Puwedeng 2 iyan: kawawa si Lord dahil hindi siya makaupo o kawawa si Lord na dapat makaupo siya,” wika naman ni Yap. 

Sinabi ni Yap na kinausap siya ni Cayetano na magpokus sa deliberasyon para sa 2021 national budget.

Hindi umano niya tinanong si Cayetano kung igagalang niya ang kasunduan kay Velasco.

“Boss ko siya, nahihiya akong magtanong,” giit ni Yap. 

LATEST

LATEST

TRENDING