Duterte, dinipensahan ang Manila Bay ‘white sand’ project

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 21 ang ‘white sand’ project sa Manila Bay at sinabing walang mali sa paggawa ng artificial beach sa lugar.

Ito ay matapos sumugod ang publiko sa Manila Bay nitong weekend upang masilayan ang artificial white sand na inilagay sa lugar.

Aniya, “People now really enjoy the reclaimed area with the white sand, maski na papaano.”

“Wala naman talaga tayong magawa. You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si (Pangalawang Pangulo) Leni (Robredo). What do you want us to do?” dagdag pa ng pangulo.

Binanatan ng oposisyon at mga kritiko ang nasabing proyekto matapos buksan ng pamahalaang lokal ng Maynila ang lugar sa publiko nitong weekend.

Naglipana ang iba’t-ibang larawan at videos na nagpapakitang hindi nasunod ang physical distancing protocols sa lugar na layong mapigilan ang hawaan sa Covid-19.

Iginiit naman ng pangulo na walang magagawa ang pamahalaan hinggil sa coronavirus.

“Ang problema kasi nitong white sand…Ang sabi, we are not doing enough. What can we do with the germ that is flying around? It’s the microbe that cannot be controlled by any(one),” ani Duterte.

Dadgag pa nito, “Anong gawin mo? Gusto mo i-spray mo from the sky? DDT? Wala naman tayong magawa diyan.”

Ayon naman kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo, hindi pag-spray ng pesticide ang hinihiling niya o ng mga kritiko mula sa pamahalaan nang sinabi nitong kinakailangan ng “medical and non-medical interventions.”

“Yung number 1 po, hindi maso-solusyunan sa pag-spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano,” wika ni Robredo sa isang Facebook post.

Samantala, pinuri naman ng pangulo si Environment Sec. Roy Cimatu dahil sa pagtugon nito sa kanyang “hamon” na linisin ang Manila Bay.

Aniya, “I am congratulating Sec. Cimatu. I remember that meeting, and I think everyone was there when I said, ‘Kaya mong linisin ito?”

“Napabilib nga ako when he accepted my dare. Hinamon ko siya. Sabi ko, ‘Kaya mo?’ Sabi niya, ‘Basta trabahuin lang,” giit ng pangulo.

LATEST

LATEST