DTI Sec. Lopez, tiwalang puwede na ang MGCQ sa NCR basta’t sumunod sa ‘7 commandments’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Trade Secretary Ramon Lopez

Pabor si Trade Secretary Ramon Lopez sa pagpapaluwag ng community quarantine status sa Metro Manila sa susunod na buwan basta’t mariing susunod ang mga Pilipino sa mga itinakdang health protocols upang maiwasan ang hawaan sa Covid-19.

Kumbinsido si Lopez na kayang i-manage ang Covid-19 transmission kahit magaan na ang patakaran ng quarantine basta’t susunod ang lahat sa “Seven Commandments”.

Kabilang sa mga patakarang ito ay ang: Pagsusuot ng face shields at masks, hindi pagkain at pakikipag-usap sa publiko upang mapigilan ang paglaganap ng respiratory droplets, sapat na bentilasyon sa mga enclosed spaces, madalas na disinfection, pagbabawal sa mga symptomatic na lumabas sa publiko, at pagsunod sa isang metrong physical distancing.

Sinabi ng kalihim noong Setyembre 21 na posibleng sumailalim ang rehiyon sa magaang modified general community quarantine (MGCQ) pagkatapos ng kasalukuyang quarantine status sa Setyembre 30.

Mas natuto aniya ng mga Pilipino na maging maingat anim na buwan mula nang ipatupad ang lockdown.

“Maaari nating i-push ang mas magaan na community quarantine subalit ang importante ay may self-discipline at self-regulation ang buong bayan para bumaba pa ang transmission kahit modified GCQ that will allow us to open more sectors in the economy,” ani Lopez.

Ang malaking bahagi ng bansa ay nasa MGCQ na.

Nasa GCQ naman ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, Tacloban City, at Bacolod City.Sumasailalim naman sa modified enhanced community quarantine ang Iligan para sa buong buwan ng Setyembre.

LATEST

LATEST

TRENDING