Cayetano, nananatiling House Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Agarang sinuspinde ng Kamara ang sesyon nito noong Setyembre 21 matapos lamang ang 18 minuto bunsod ng usapin tungkol sa pagpapatalsik kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Idineklara ni Deputy Speaker Raneo Abu ang suspensyon hanggang Martes, Setymebre 22, matapos ang roll call ng mga miyembro at unang pagbasa ng ilang mga panukala.

Wala namang mosyon para magdeklara na bakantehin ang mga posisyon, lalo na ang house speakership. Kaya naman nanatiling House Speaker pa rin si Cayetano.

Kinumpirma ni Presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte noong Setyembre 20 na pinadalhan niya ng mensahe si House appropriations committee chair Eric Yap na hihiling siya sa Mindanao bloc na ideklarang bakante ang posisyon ng House Speaker at 22 Deputy Speakers sa Lunes.

Ang sigalot ng mga mambabatas ay nag-ugat mula sa hindi pagkakaunawaan ng mga mambabatas ukol sa alokasyon ng badyet para sa kani-kanilang mga distrito sa ilalim ng ipinapanukalang P4.5-trilyong 2021 national budget.

Subalit, nilinaw ni Yap na hindi ito dahil sa pork barrel o lump sum funds, taliwas sa idinidiin ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Aniya, “Hindi ko naintindihan kay Congressman Zarate bakit nya sinasabing pork yun. Unang-una, yung mga pinag-aawayan is yung para sa parochial concerns.”

Ayon kay Yap, ang alokasyon ng badyet para sa mga distrito ay layong pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga kalsada, ospital, tulay, atbp.

Sa ilalim ng term-sharing agreement na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte, magsisilbi bilang House Speaker si Cayetano sa unang 15 buwan, o hanggang Oktubre 2020, habang susundan naman ito ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para sa nalalabing 21 buwan o hanggang sa pagtatapos ng 18th Congress sa 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING