Meralco, nagbayad ng ₱19-M multa dahil sa ‘bill shock’ noong ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Boy Santos (The Philippine STAR)

Inanunsyo ng Meralco na binayaran na nito ang ipinataw na ₱19 milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa paglabag nito sa government protocols noong Luzon lockdown na nagdulot ng “bill shock” sa libu-libo nitong mga customers.

Sinabi ng pinakamalaking power distributor sa bansa noong Setyembre 21 na nabayaran na nito ang multa isang buwan mula nang ipag-utos ito ng ERC. Subalit, nais din ng Meralco na ikonsidera ng ERC ang ikalawang bahagi ng multa.

Meralco also filed a motion for partial reconsideration with respect to the directive to provide a retail rate discount to lifeline customers (Nagsampa ng motion for partial reconsideration ang Meralco tungkol sa kautusang magbigay ito ng retail rate disscount para sa lifeline customers,” giit ng pinuno ng Meralco na si Manny Pangilinan.

Tinutukoy ng kumpanya ang direktiba ng ERC na itakda ang mga singilin nito sa zero nang isang buwan para sa mga dalawang milyong “lifeline” o low-income customers na gumagamit lamang nang hindi bababa sa 100 kilowatt hours ng enerhiya ngayong panahon ng pandemiya.

Ayon naman sa ERC, nagkulang ang Meralco sa pagbibigay impormasyon sa kanilang mga customers na “estimated” ang kanilang electricity bills noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), kung kailan hindi nabasa ng Meralco ang mga metro ng bahay dahil sa lockdown. Ang pangyayaring ito ay nauwi sa biglang pagtaas sa singil ng kuryente.

Nilabag din aniya ng Meralco ang installment payment scheme na itinakda ng ERC, at ito raw ay nagdulot ng “kaguluhan at kalituhan” mula sa publiko.

Inabot hanggang Hulyo 9 bago naiwasto ang mga pagkakamali ng Meraclo, giit ni ERC chair Agnes Devanadera.

Ayon sa ahensya, nagsagawa ng paglabag ang Meralco sa loob ng 190 days para sa mga patakarang itinakda noong Marso hanggang Hulyo, kung saan ito naging ang dahilan sa pagpapataw ng multa dito.

Ang nalikom na pondo mula sa Meralco ay magiging bahagi ng kaban ng bayan, dagdag pa ni Devanadera.

Samantala, ipinahayag naman ng Meralco na ipatutupad nito ang power rate discount para sa low-income customers sa bills ng Oktubre 2020 habang pending ang resulta ng apela ng kumpanya. Magkakahalaga aniya ito ng ₱200 milyon.

Ang mga bills na nakatakdang bayaran noong panahon ng ECQ ay maaaring bayaran sa loob ng apat hanggang anim na buwang installments. Ire-refund din umano ang mga overpayments sa future bills.

LATEST