Duterte, pinayagan ang mas maraming health workers na makapagtrabaho abroad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas maraming Pilipinong health workers na makapagtrabaho abroad habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic, ayon sa Malacañang noong Setyembre 21.

Puwede nang umalis ng bansa ang mga health professionals na may mga kumpletong overseas employment documents na pasok sa petsang Agosto 31, 2020, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “Yung mga health professionals na kumpleto po ang documentation as of Aug. 31, 2020, pinayagan na po kayo ni Presidente makaalis para sa inyong mga trabaho abroad.”

Noon, tanging mga healthcare workers na may kontrata sa petsang Marso 8, 2020 ang pinahintulutang umalis ng bansa, dahil sa hakbang ng pamahalaan na magpanatili ng reserve force ng mga health workers upang makatulong sa laban kontra Covid-19.

Unang sinuspinde ng pamahalaan ang deployment ng mga doktor, nars, at iba pang healthcare workers abroad noong Abril 2.

Layunin ng ban ang “pagbibigay prayoridad sa alokasyon ng human resouce para sa national health care system sa panahon ng national state of emergency,” pahayag ng Philippine Overseas Employment Administration sa isang memorandum.

Ang mga healthcare workers na kabilang sa deployment ban ay ang mga:

• Medical doctor/physician
• Nurse
• Microbiologist
• Molecular biologist
• Medical technologist
• Clinic analyst
• Respiratory therapist
• Pharmacist
• Laboratory technician
• X-ray/ radiologic technician
• Nursing assistant/nursing aid
• Operator of medical equipment
• Supervisor of health services and personal care
• Repairman of medical-hospital equipment

Subalit, ipinanawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang exemption ng nurses at health workers na may pirmadong kontrata mula sa ban noong nakaraang buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING