DOT, pagtutuunan ng pansin ang domestic tourism sa 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

Ipinahayag ng Department fo Tourism (DOT) noong Setyembre 20 na magpopokus ito sa pagsusulong ng domestic tourism sa susunod na taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na positibo ang pananaw ng ahensya na ang “travel bubble program” na ipinatutupad ng DOT sa Baguio City at mga karatig-lalawigan ay maaaring gayahin din sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao na may mga mabababang bilang ng Covid-19 cases.

The country’s summer capital and Region 1 have been designated as pilot areas for the gradual reopening of tourism with a maximum of 200 visitors per day (Ang summer capital ng bansa at Region 1 ay itinalagang pilot areas para sa unti-unting pagbubukas ng turismo na may maximum na 200 visitors sa bawat araw),” giit ni Puyat.

Inaasahang dadalo ang kalihim sa launch ng Ridge to Reef program ng Baguio City sa Setyembre 22, upang mapahintulutang makapasok sa lungsod ang mga bisita galing Region 1, alinsunod sa minimum health standards.

“Restarting tourism is our priority. Kailangan pong magkaroon na ng mga trabaho ang mga nawalan ng trabaho,” dagdag pa ni Puyat.  

LATEST

LATEST

TRENDING