Cayetano, posibleng patalsikin bilang House Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano

Inaasahang aarangkada ang hakbang ng pagpapatalsik kay House Speaker Alan Peter Cayetano, matapos magbanta si Deputy Speaker Paolo Duterte na ideklarang bakante ang posisyon dahil sa sigalot sa pagitan ng mga mambabatas hinggil sa 2021 badyet.

Nitong weekend, iginiit ng presidential son ang hinanaing ng mga kapwa niya kongresista na dismayado tungkol sa mga ibinigay sa kanilang alokasyon sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Nagpahayag si Rep. Duterte noong Setyembre 20 para kumpirmahin ang naunang text message na ipinadala nito sa isa niyang kapwa mambabatas na nagdulot ng espekulasyon ukol sa planong pagpapatalsik kay Cayetano bilang House Speaker.

Nakasaad sa nasabing mensahe, na dapat ay para kay Appropriations committee chair Eric Yap, na: “Sinabihan ko na kayo nananahimik lang ako kasi di na ako kinakausap nina Speaker ngayon nadamay ako. I will ask the Mindanao bloc to declare the seat of the Speaker and Deputy Speakers vacant ngayong Monday. Di mamamatay ang Mindanao dahil walang budget.”

Ayon kay Duterte, may kapangyarihan ang mga mambabatas na baguhin ang landas ng kanilang liderato, at buong loob umano niyang tatanggapin kung magiging bahagi ito sa mga “casualties” o deputy speakers na posibleng sibakin sa puwesto.

Iginiit din nitong hindi niya nais na maging kabahagi sa sigalot ng liderato ng Kamara.

Posibleng ipanawagan ang pagpapatalsik kay Cayetano sa pagtitipon ng mga representante sa plenary session sa Setyembre 21.

LATEST

LATEST

TRENDING