SC, tinanggihan nang pinal ang petisyong pagsasapubliko sa health records ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinanggihan ng Korte Suprema nang may pinalidad ang petisyon ng isang abogado na hingin ang health records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa resolusyong may petsang Setyembre 8, tinanggihan ng Kataas-taasang Hukuman ang inihaing motion for reconsideration ng abogadong si Dino de Leon.

The Resolution dated May 8, 2020 dismissing the Extremely Urgent Petition for Mandamus is deemed final. No further pleadings or motions shall be entertained in this case (Ang Resolusyong may petsang Mayo 8, 2020 na nagbasura sa Extremely Urgent Petition for Mandamus ay itinuturing na pinal. Wala nang pagdinig ang gagawin hinggil sa kaso) ,” pahayag ng resolusyon.

Iginiit ni De Leon sa kanyang petisyon na hindi umano tinugunan ng Korte ang taumbayan nang ibasura nito ang petisyon na walang due process. Sa halip, hiniling nito sa Korte na magdaos ng oral arguments.

Idiniin din nitong magpakita ng katibayan ang pangulo tungkol sa “pagiging seryoso” ng kanyang kalusugan, dahil sa mga naiuulat na madalas na paglapag ng medical jet sa Davao City mula Singapore, at ang pag-amin ng pangulo na posibleng lumala ang iniinda nitong Barrett’s esophagus patungo sa stage 1 cancer.

Sumangguni si De Leon sa Section 12, Art. VII ng 1987 Constitution na nagmamando sa pangulo na ipagbigay-alam sa publiko ang estado ng kanyang kalusugan sakaling may iniinda itong “seryosong” karamdaman at ang karapatan ng mga taong makaalam ng mga impormasyong dapat nilang mabatid sa ilalim naman ng section 7, Article III.

Gayunpaman, sinabi ng Supreme Court (SC) na hindi napatunayan ni De Leon na may “legal right” ito para hingin ang medical records ng pangulo.

Sa naunang kapasyahan, sinabi ng SC na sa deliberasyon ng Constitutional Commission na gumawa ng Saligang Batas, ang layunin aniya ay bigyan ng diskresyon ang pangulo kung paano nito isasapubliko ang kanyang health records, na hindi maaaring maging laman ng petition for mandamus.

Naghain naman ng dissenting opinion sa 13-2 ruling ang dalawang mahistrado na sina Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa at Associate Justice Marvic Leonen.

LATEST

LATEST

TRENDING