Rep. Duterte, umiwas sa sigalot ng mga mambabatas tungkol sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City 1st district representative Paolo Duterte
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Sinabi ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte noong Setyembre 20 na umiiwas ito sa mga usaping may kinalaman sa alokasyon ng badyet para sa mga mambabatas sa taong 2021 matapos madismaya ang kanyang mga kapwa mambabatas ukol dito.

Naglabas ng pahayag ang kongresista matapos kumalat ang mga text messages noong Setyembre 18 mula sa mga mambabatas, na nais aniya ni Duterte ng pagbabago sa liderato ng Kamara sa Lunes, Setyembre 21.

The text message that I sent to another lawmaker – and is now making the rounds – was an expression of my personal dismay upon hearing the concerns of my fellow lawmakers (Ang text na sinend ko sa isa pang mambabatas – na ngayon ay kumakalat – ay manipestasyon ng aking pagkadismaya tungkol sa mga hinanaing ng mga kapwa ko mambabatas),” paliwanag ni Rep. Duterte.

Dagdag pa nito, “It was the same message that I sent after one Congressman from the Visayas bloc dragged my name into the issue even after I have already strongly made myself clear over this issue (Ito ay parehong mensaheng ipinadala ko matapos hatakin ang aking pangalan sa isyu ng isang kongresista mula sa Visayas matapos kong linawin ang aking tindig hinggil sa usapin).”

Although I am an ex officio member being a Deputy Speaker, I have respectfully and clearly told them that their concern is something that I would rather stay away from — out of delicadeza because my father is the President (Bagama’t ex-officio member ako dahil sa pagiging Deputy Speaker, sinabi kong iiwasan ko ang isyung ito – bilang delicadeza dahil pangulo ang aking ama), diin ng nakababatang Duterte.

Gayunpaman, sinabi ni Duterte na nais niyang tulungan ang kayang mga kapwa mambabatas na humanap ng kasagutan sa kanilang mga tanong o lunas sa badyet na kanilang ipinapanukala para sa kanilang mga distrito.

Sa naunang budget hearing, kinompronta ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa mga usap-usapan na makakukuha ng pinakamalaking badyet para sa 2021 ang Taguig City at Camarines Sur (CamSur).

Ang dalawang distrito ng Taguig ay hawak ni House Speaker Alan Peter Cayatano at asawang si Lani, habang ang isang distrito ng CamSur ay pinamumunuan naman ni Rep. LRay Villafuerte, isang malapit na kaalyado ni Cayetano. Ang anak ni Villafuerte na si Migz, ang gobernador ng CamSur.

Tinawag naman ni Villafuerte si Teves na “rumormonger” dahil sa pagpapakalat ng mga usapin base sa “tsismis” at iniugnay ang mga akusasyon nito tungkol sa planong pagpapalit sa liderato ng Kamara.

Samantala, wala naman aniyang mali kung nakakuha ng mas malaking infrastructure budget ng distrito ni Cayetano, ayon kay Villafuerte.

Ang pagkwestyon kay Teves sa ginanap na DPWH budget hearing noong Setyembre 17 ay naging mista para sa isang “word war” sa pagitan ng mga mambabatas sa viber group nito.

LATEST

LATEST

TRENDING