NCR mayors, gumagawa ng guidelines tungkol sa maagang pagbisita sa mga sementeryo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Magbabalangkas ng guidelines ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila tungkol sa maagang pagtanggap ng mga sementeryo ng bisita matapos ipag-utos ng pamahalaan na ipasara ang lahat ng sementeryo sa buong bansa pagsapit ng Undas bilang pag-iingat sa Covid-19, ayon sa isang opisya; noong Setyembre 19.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na siya ring Metro Manila Council chairman, na ide-deploy ang security personnel at marshals sa mga sementeryo upang magbigay tulong sa mga pulis sa pagpapatupad ng physical distancing.

Inaabisuhan din ang mga bibisita sa mga semeteryo na sundin ang ang 30-percent capacity na ipinatutupad ng gobyerno.

“Magkakaroon tayo ng marshal kasama ang ating PNP para ipatutupad ang physical distancing at hindi po magkaroon ng gatherings, doon po sa sementeryo prior sa pagko-close ng ating sementeryo,” paliwanag ni Olivarez.

Inanunsyo ng Malacañang noong Setyembre 18 na ipapasara nito ang lahat ng mga sementeryo at kolumbaryo sa buong bansa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Hinikayat naman ng pamahalaan na magtungo na lamang sa semeteryo bago mag Oktubre 29.

Pinahintulutan naman ng mga pamahalaang lokal sa Metro Manila ang mga flower vendors na magbenta malapit sa sementeryo bago ang itinakdang pagsasara.

Aniya, “‘Yung mga nagtitinda ng bulaklak ia-arrange po ng LGU, makakapagtinda sila doon po sa prior at after (Undas) para hindi sila mawalan ng hanapbuhay at gagawin na po orderly ang pagtitinda ng bulaklak.”

LATEST

LATEST