Mga senador, nais bigyan ng karagdagang kapangyarihan si PRRD kontra red tape

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kasalukuyang nagbabalangkas ng panukalang batas ang mga senador na layong bigyan ng awtoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang mga transaksyon sa pamahalaan ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

Nakipagpulong si Duterte sa mga lider ng Kongreso noong nagdaang linggo para humiling na amyendahan ang Ease of Doing Business Act upang mas lalo pang mabawasan ang bureaucratic red tape.

Sa isang pahayag noong Setyembre 19, sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na nagkasundo ang mga mambabatas na “mas magiging praktikal at mabilis” kung magpapasa ng panibagong batas para paikliin ang mga proseso sa pamahalaan habang nasa state of health emergency ang bansa.

When the final draft is approved by at least the majority of the senators in a caucus, SP Sotto will present the same to the chief executive as well as the leaders of the (House of Representatives) so we can pass the corresponding legislation (Kung maaprubahan na ang final draft ng majority ng mga senador, ipepresenta ito ni SP Sotto sa pangulo pati na rin sa mga lider ng Kamara upang maisabatas ito),” ani Lacson.

Ayon naman kay Senador Miguel “Migz” Zubiri, ang panukala ay maihahalintulad sa pagbibigay ng “anti-red tape emergency powers” kay Duterte upang mapaikli ang processing time para sa permits at licenses, at matanggal ang ilang requirements.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, ang mga aplikasyon o requests ay dapat iproseso sa loob ng tatlong working days para sa “simple transactions” at pitong araw naman para sa mga kumplikado.

Pinapahintulutan naman ang mas mahabang oras para sa mga prosesong kinabibilangan ng maraming tanggapan o iyong mga prosesong highly technical.

LATEST

LATEST

TRENDING