Remulla, hinikayat ang publiko na isumbong ang maiingay na nagkakaraoke

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jez Aznar (The New York Times)

Itinuon ng isang provincial governor ang kanyang pansin sa mga mahilig magkaraoke sa gabi, na nakakaapekto umano sa isinasagawang laban ng pamahalaan kontra Covid-19.

Sa kanyang Facebook post noong Setyembre 15, hinikayat ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang publiko na i-report ang maiingay na nagkakaraoke sa mga awtoridad para makatulong sa laban kontra Covid-19.

Ayon kay Remulla, ang pagkakaroon ng mahimbing na tulog sa gabi ay isa sa mga paraan upang mapalakas ang immune system ng katawan.

Curfew isn’t just made to reduce nonsense night strolls. It is also meant to strengthen the body through a good and sound sleep (Ipinatupad ang curfew hindi lamang para maiwasaan ang mga pagalagalang mga tao. Layon din nitong palakasin ang pangangatawan sa pamamagitan ng mahimbing na pagtulog),” ani Remulla.

Isa umanong matunog na reklamo mula sa kanyang mga nasasakupan ay ang “walang humpay na abuso” mula sa mga taong kumakanta sa karaoke.

Aniya, “This is the favorite hobby of those who have nothing to do from last night until dawn (Ito ang paboritong pampalipas-oras ng mga walang magawa mula gabi hanggang umaga).”

If you’re drunk, over the amount of drinking and most of all your excursion is against the time, you can be charged and taken to the precinct on the spot (Kung lasing ka at gising pa sa gabi, puwede kang kasuhan at dalhin sa presinto ora mismo),” dagdag pa ng gobernador.

Paalala nito, “If you don’t want to sleep early, please let yourself sleep! Learn to respect the neighbors who have to wake up at 4 a.m. (like me) (Kung ayaw mong matulog nang maaga, payagan mong makatulog ang sarili mo! Matutong rumespeto sa mga kapitbahay na gumigising ng maaga sa alas-kwatro tulad ko).”

LATEST

LATEST

TRENDING