PRRD, pinalawig ang national state of calamity hanggang 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang estado ng state of calamity sa bansa hanggang sa susunod na taon bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa nilagdaan nitong Proclamation No. 1021 noong Setyembre 16, ang national state of calamity ay epektibo mula Setyembre 13, 2020 hanggang Setyembre 12, 2021, “unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant (maliban kung aalisin nang maaga o mas papalawigin pa alinsunod sa sitwasyon).”

Sinabi sa proklamasyon na patuloy na dumarami ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa at mga nasasawi mula sa nakamamatay na sakit bagama’t puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ito.

Batay sa datos noong Setyembre 18, umabot na sa 279,526 infections, 4,830 deaths, at 208,790 recoveries ang naitatala sa bansa.

The extension will, among others, effectively afford the National Government, as well as local government units, ample latitude to continue utilizing appropriate funds, including the Quick Response Fund, in their disaster preparedness and response efforts to contain the spread of COVID-19, monitor and control prices of basic necessities and prime commodities, and provide basic services to the affected populations (Ang pagpapalawig ay magbibigay ng pagkakataon sa nasyonal at lokal na pamahalaan para magamit ang karampatang pondo, kabilang ang Quick Response Fund mula sa kanilang disaster preparedness and response efforts para mapigilan ang Covid-19, ma-monitor at makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin, at makapagbigay serbisyo para sa mga apektadong populasyon,” pahayag ng proklamasyon.

Naunang nagdeklara ng national state of calamity si Duterte noong Marso 17, dalawang araw matapos nitong isailalim sa lockdown ang buong Metro Manila.

LATEST