Pamahalaan, itinangging sanhi ng fish kill ang Manila Bay white sand project

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Tinitingnan ng pamahalaan ang mga hakbang ng pagsabotahe aniya sa synthetic white sand project sa Manila Bay matapos umalingawngaw ang mga ulat tungkol sa fish kill.

Nagbabala si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko para sa mga nagtatangkang isabotahe ang mga isinasagawang hakbang ng administrasyong Duterte matapos ang fish kill report.

“Hindi ko po alam kung mayroon ngang sabotahe, pinag-aaralan pa po iyan,” ani Roque, sabay banggit na ang freshwater fish tilapia ay isa sa mga naiulat na natagpuang patay sa dalampasigan ng Manila Bay ngayong linggo.

Dagdag pa ni Roque, “Ingat-ingat lang po tayo sa panahon ngayon desperado po ang kalaban ng gobyerno, lahat po ginagawa para siraan si Presidente Duterte.”

Ayon naman kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, “imposibleng” kasalanan ng pamahalaan ang nasabing fish kill sa Baseco area.

Naging matunog ang fish kill report matapos punain ng ilang environmental groups at mga mambabatas ang paglalagay ng synthetic white sand made na yari sa dinurog na dolomite sa Manila Bay dahil hindi naman aniya ito mahalagang bahagi ng rehabilitation project.

Sa isang naunang pahayag, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo Gongona na ang water quality testing sa Baseco, kung saan natagpuan ang mgapatay na isda, ay nagpapakitang nasa 0.11mg/L lamang ang dissolved oxygen sa lugar, mas mababa sa acceptable level na 5 mg/L para makatugon sa aquatic life. 

LATEST

LATEST

TRENDING