Duterte: 1-meter physical distancing, mananatili

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang 1-meter distance sa pagitan ng mga pasahero sa mga papublikong transportasyon habang nananatili ang banta ng Covid-19, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Setyembre 19.

Aniya, “Matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendasyon ng parehong panig na nagsasabi na dapat manatili sa 1 meter ang physical distancing sa pampublikong transportasyon at ‘yung mga nagsasabi na pupuwede naman itong pababain basta may face shield, face mask, walang salita… nagdesisyon na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon, mananatili po ang 1-meter social distancing sa pampublikong transportasyon.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Roque na dapat obserbahan ng mga commuters ang health protocols habang nakasakay sa mga pampublikong sasakyan.

In addition to this physical distancing, the commuting public must adhere to health protocols, such as wearing of face mask/shield and no talking and no eating inside the public mode of transport (Bukod sa physical distancing, dapat sundin ng publiko ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask/shield at walang pakikipag-usap o pagkain sa loob ng mga pampublikong sasakyan),” ani Roque.

Naunang ipinatupad ng pamahalaan ang 0.75 meter na distansya mula sa dating 1 meter, dahil nais umano ng publiko na pagaanin ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan tulad ng buses, jeepneys at trains.

Samantala, ipinahayag naman sa isang advisory ng MRT-3 administration na alinsunod sa kapasyahan ni Duterte, 153 na mga pasahero ang papahintulutang makasakay sa bawat train set, o 51 sa bawat coach.

Patuloy din umanong ipatutupad ang health at safety protocols sa mga train stations maging sa loob ng mga tren, kabilang na ang mandatoryong pagsusuot ng face masks at shields, regular na disinfection, pagbabawal sa pagtawag sa telepono, pagkain, at pakikipag-usap habang nakasakay sa tren.

LATEST