DOH: Hindi pa tapos ang laban kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 18 na bagama’t kinikilala nito ang mga naging komento ni Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa itong hindi magiging kampante ang mga Pilipino sa patuloy na laban kontra Covid-19.

Ayon kay Roque, “tapos na ang pinakamalalang yugto” ng Covid-19 pandemic bilang pagtugon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations kung saan sinabi nitong mahigit kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang “paparating pa lang ang pinakamalalang epekto” ng pandemiya.

“While we have seen improvements in our numbers, hindi pa tapos ang laban,” giit ng DOH.

Dagdag pa nito, “We don’t want the public to be complacent and to think na everything is already OK. Dahil kapag naging complacent tayo, magiging hindi tayo maingat.”

Idiniin ng ahensya na hangga’t walang bakuna laban sa nakamamatay na sakit, walang katiyakan ng kaligtasan mula sa Covid-19.

Ang pinakamainam na hakbang aniya sa ngayon ay obserbahan ang minimum health standards, tulad ng pagsusuot ng face masks, tamang paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

Nitong buwan, sinabi ng pamahalaan na tila nagkakaroon ng pagbaba sa trend ng Covid-19 cases.

Subalit, umakyat itong muli sa 3,000 hanggang 4,000 na level. Pinag-aaralan naman umano ng DOH kung ano ang naging sanhi sa pag-akyat nito

LATEST