Task force, magsasampa ng mga kaso laban sa PhilHealth officials na sangkot sa kurapsyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kumakalap aniya ng mga ebidensiya para sa pagsasampa ng mga kaso ang isang task force na inatasang mag-imbestiga tungkol sa mga alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa isang Cabinet official noong Setyembre 17.

“Yung filing of the complaints, we are hoping to be able to do so within the next 30 days (umaasa tayong magagawa ito sa susunod na 30 days),” ani Justice Secretary Menardo Guevarra.

Dagdag pa ng kalihim, “We have to gather the necessary supporting documentary evidence (Kailangan nating kumalap ng mga mahahalagang ebidensiya).”

Ayon kay Guevarra, may sapat na ebidensiya ang task force para suportahan ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa ilang mga opisyal at empleyado ng PhilHealth.

Posible umanong inabot sa bilyun-bilyong piso ang naging kawalan ng ahensya, kung hindi nahuli ang kurapsyon sa PhilHealth.

Sinabi ng task force na nagpakita ng “negligence” o kapabayaan ang ilang matataas na opisyal, partikular na sa pagpapatupad ng advance payment mechanism para sa mga ospital na may Covid-19 patients, o interim reimbursement mechanism.

Napag-alaman din ng task force ang pagkakaroon ng mga iregularidad sa procurement ng information and communication technology equipment.

LATEST

LATEST

TRENDING