Palasyo, iginagalang ang desisyon ng Ombudsman tungkol sa SALN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ng Malacañang noong Setyembre 17 na iginagalang nito ang “constitutional prerogative” ng Office of the Ombudsman para limitahan ang access ng publiko at media sa statement of assets liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga nagnanais makakita sa SALN ng mga opisyal, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte, ay kinakailangang sumunod sa mga panuntunang itinalaga ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, ang Office of the Ombudsman ay isang independent constitutional body na layong isulong ang accountability ng mga kawani ng pamahalaan.

We respect po the constitutional prerogative of a constitutional body such as the Ombudsman. We will leave the matter to the Ombudsman. We respect his (Ombudsman Samuel Martires’) prerogatives (Iginagalang namin ang kapasyahan ng constitutional body tulad ng Ombudsman. Ipinapaubaya na namin ito sa Ombudsman. Iginagalang namin ang desisyon nito),” ani Roque.

Naunang inanunsyo ng Office of the Ombudsman na hinigpitan nito ang access sa SALN ng mga opisyal sa pamamagitan ng pagre-require sa pahintulot ng may-ari ng SALN bago ito i-evaluate ng Ombudsman.

The remedy is to go to the Ombudsman for a copy of the SALN, if you’re not able to get it from the agency itself but you have to comply with requirements of the Ombudsman (Ang proseso ay pumunta sa Ombudsman para humingi ng kopya ng SALN kung hindi ninyo ito makukuha mula mismo sa ahensya, subalit kinakailangang sundin ang requirements ng Ombudsman),” dagdag pa ni Roque.

Ito ay nangyari matapos tanggihan ng Korte Suprema noong Setyembre 15 ang hiling ng isang abogado at ni Solicitor General Jose Calida na kumuha ng mga kopya ng SALN ni Associate Justice Marvic Leonen.

LATEST

LATEST

TRENDING