
Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng state of calamity sa bansa bunsod ng Covid-19 pandemic.
Sa nilagdaang proklamasyon number 1021, pinalalawig ang deklarasyon ng state of calamity hanggang sa Sept. 12, 2021.
Noong March 16, 2020 nagdeklara ng anim na buwang state of calamity ang pangulo dahil sa problema ng bansa sa COVID-19
Nakasaad sa proklamasyon na inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagpapalawig pa ng state of calamity.
Sa ilalim ng deklarasyon, ipinag-uutos sa lahat ng ahensya at local government units (LGUs) na tumulong at makipagkoordinasyon sa pagtugon sa pandemiya.
Maaari ring gamitin ng mga ahensya at LGUs ang kanilang quick response funds para pondohan ang disaster preparedness.