DPWH budget hearing, sinuspinde ng Kamara dahil sa hindi pagsipot ng ilang opisyal ng ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinuspinde ng Committee on Appropriations ng Kamara ang deliberasyon nito sa 2021 badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa hindi pagsipot ng ilang mga opisyal.

Ang DPWH budget hearing na nagtagal nang halos isang oras ay dinaluhan lamang ng dalawa mula sa anim na undersecretaries at tatlo mula sa limang assistant secretaries.

Ginisa naman ng mga mambabatas si DPWH Secretary Mark Villar, na dumalo sa pamamagitan ng Zoom.

Kinuwestyon ni House Minority Leader Benny Abante ang hindi pagdalo ng ilang mga opisyal, at sinabing ginanap sa plenary hall ang deliberasyon para makadalo ang mga ito.

“With due respect Mr. Chair, mahirap makipag-usap ng mahusay rito because even the DICT admitted that our internet is very slow, so Mr. Chair, with reservation, I would like to move for a deferment of the deliberation of this budget (dahil kahit ang DICT ay inaming mabagal ang ating internet, kaya Mr. Chair, nais kong isuspinde muna ang deliberasyon ng badyet na ito),” giit ni Abante added.

Sinuportahan ito ng isa pang mambabatas, na nag-udyok kay committee chairman CWS party-list Rep. Romeo Momo, na isuspinde muna ang hearing. Hindi naman inanunsyo ng komite kung kailan gaganapin ang susunod na pagdinig.

Ang ipinapanukalang badyet ng DPWH para sa taong 2021 ay nasa P667.3 bilyon, mas mataas ng 34 percent mula sa nakuha nito noong 2020. Ito rin ang ikalawang departamentong nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa ipinapanukalang P4.506 trilyong national budget para sa 2021.

Ayon sa mga opisyal, ang infrastructure program na Build, Build, Build ay susi para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Sa kabuuang badyet, P643.17 bilyon ang inilaan para sa infrastructure at non-infrastructure projects, mas mataas ng 15 percent mula noong 2020.

Sa pagdinig, muling kinuwestyon naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang P397.2 bilyong lump sum budget para sa 2021, dahil hiwa-hiwalay lamang umano ito sa iba’t-ibang regional projects.

Tinalakay din ang nasabing isyu sa Development Budget Coordinating Council nitong buwan, kung saan kulang umano sa breakdown ang 60 percent ng badyet ng DPWH, ayon kay Brosas.

Mayroon din aniyang “double and exactly identical fund insertions” sa DPWH badyet, ani Brosas.

Sinabi naman ni Villar na available na ang breakdown para sa lahat ng mga proyekto. Idiniin din nitong walang double insertions sa badyet, at ito ay pagpapatuloy lamang umano ng mga nasimulang proyekto.

LATEST

LATEST

TRENDING