PNP chief, nais i-promote si Sinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Metro Manila police chief Maj. Gen. Debold Sinas
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Kinakailangan umanong bigyan ng promosyon si Metro Manila police chief Maj. Gen. Debold Sinas, pahayag ng bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) noong Setyembre 16.

Ayon kay Gen. Camilo Cascolan, ang bagong PNP chief, maraming “mabubuting nagawa” si Sinas.

Aniya, “We have to evaluate him properly. The guy deserves also an evaluation and of course, a promotion, too (Kinakailangang i-evaluate siya nang maayos. Kinakailangan niya ng evaluation pati promosyon).”

I think he has to be up at the Directorial Staff or a certain position that is for most especially for him (Sa tingin ko puwede siya sa Directorial Staff o isang posisyon na para lamang sa kanya)… He is an expert most especially with regard to training of personnel and training of recruits (Eksperto siya sa training ng mga personnel at recruits),” dagdag pa ni Cascolan.

Noong Mayo, umani ng pambabatikos si Sinas matapos itong magdaos ng isang mañanita para salubungin ang kanyang kaarawan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kung saan nilabag umano nito ang sampung-kataong limitasyon para sa mga malawakang pagtitipon upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Tumanggi naman si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto si Sinas kahit na nasa ilalim pa ng mahigpit na lockdown ang Luzon noong mga panahiong iyon.

Muling naging laman ng balita si Sinas noong Hulyo matapos ang kanyang viral na komprontasyon sa pamilya ng isang retired officer na, layong paalisin nina Sinas at ng kanyang mga kasamang pulis mula sa isang government compound sa Taguig City. 

Nang tanungin si Cascolan kung ililipat si Sinas mula National Capital Region Police Office patungo sa isang training post, sinabi nitong, “Not really that way (Hindi naman sa ganoon).” 

There’s still a lot of directorial staff or other positions that fit him. We will evaluate him properly, I will evaluate him properly (May maraming directorial staff o iba pang posisyon na bagay sa kanya. Ie-evaluate natin siya nang maayos),” dagdag pa ni Cascolan.

LATEST

LATEST

TRENDING