Pamilyang Pinoy, isa sa pinakaapektado ng pandemiya sa ASEAN: ADB survey

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ADB

Mga pamilyang Pilipino ang isa sa mga pinakanaapektuhan ng Covid-19 pandemic sa Southeast Asia, batay sa isinagawang survey ng Asian Development Bank.

Ayon sa ADB Institute, naglunsad ito kamakailan ng survey sa mga tahanan sa Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Thailand, at Vietnam. 

Base sa survey, 84 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing bumaba ang kanilang kita dahil sa pananalasa ng pandemiya. Ito ang pinakamalala sa rehiyon, na sinundan naman ng Indonesia sa 84 percent, at Myanmar sa 78 percent. Ang average naman sa walong ASEAN countries ay nasa 73 percent.

Isang tao rin sa bawat tahanan ang nawalan ng hanapbuhay o di kaya ay nabawasan ang oras ng pagtatrabaho sa 73.5 percent ng mga pamilyang Pilipino. Ito rin ang pinakamalubha sa regiyon, habang ang average para sa lahat ng ASEAN countries ay nasa 44 percent.

Samantala, ayon naman sa Philippine Statistics Authotity (PDA), sampung porsyento o tinatayang nasa 4.6 milyong adultong Pilipino ang walang trabaho noong Hulyo. Isa namang independent survey ang nakapagtala ng mas mataas na jobless sa 45.5 percent o humigit kumulang 27.3 milyong Pilipinong walang hanapbuhay noong Hulyo.

Ipinatupad sa Pilipinas ang isa sa mga pinakamahigpit at pinakamahabang lockdown sa buong mundo mula Marso hanggang Hunyo bilang hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Gayunpaman, nanguna pa rin ang Pilipinas sa mga may pinakaraming Covid-19 cases sa rehiyon, habang nahihirapan itong tugunan ang testing at contact-tracting.

Many governments had very strict measures like lockdowns, but it turned out those across-the-board measures are very counterproductive (Maraming mga gobyerno ang naghigpit tulad ng lockdown, subalit hindi rin pala ito naging epektibo),” ani ADB Institute Dean Tetsushi Sonobe.

Nanawagan naman ito para sa mas targetted na approach sa pagtugon sa coronavirus.

Samatala, pinakaapektadong mga negosyo sa bansa ang mga medium, small and micro enterprises (MSMEs), na isa sa mga susing employers sa bansa.

Makatutulong naman aniya para sa mga MSMEs ang pagtransisyon online para mapanatili ang operasyon ng negosyo, subalit nagiging tinik naman para isakatuparan ito ang problema sa internet, ayon naman sa isang ADB official.

Connectivity must be addressed before MSMEs can adopt digital solutions (Dapat malutas ang problema sa koneksyon bago magtransisyon pa-digital ang mga MSMEs),” wika ni Elaine Tan, Advisor at Head ng ADB Statistics and Data Innovation Unit.

LATEST

LATEST

TRENDING