Duterte, magpapasya tungkol sa physical distancing ng mga commuters

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Ace Morandante (Presidential Photo)

Si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magpapasya tungkol sa palisya ng bansa hinggil sa physical distancing sa mga pampublikong transportasyon matapos hindi makapagdesisyon ang pandemic task force ng pamahalaan tungkol sa usapin, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Setyembre 16.

Aniya, “Si Presidente na po ang magde-decide. Ang aking ulit-ulit na sinasabi, nakabase po ito sa siyensa at sa mga advice ng mga doctor, dahil ang mga doctor, iba-iba rin po ang mga pananaw.”

“Wala pong isang opinyon pagdating dito sa pagbawas ng isang dangkal lang naman na social distancing sa pampublikong mga transportation,” dagdag pa ni Roque.

Malaki naman aniya ang posibilidad na inaanunsyo ito ng pangulo sa isang televised broadcast, ayon kay Roque.

Sa ngayon, nananatiling epektibo ang bagong physical distancing policy para sa mga commuters na 0.75 meter mula sa dating isang metro.

So until the President revokes it, I think it will be implemented (Hangga’t hindi ito ipinahihinto ng pangulo, mananatili ang implementasyon nito),” giit ng tagapagsalita ng pangulo.

Ipinagpatuloy ng gobyerno ang pagpapatupad ng naturang hakbang bagama’t hinihikayat ng World Health Organization (WHO) ang publiko na panatilihin ang isang metrong distansya sa pagitan ng bawat tao upang maiwasan ang Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING