Roque, binigyan ng gradong 85% ang Covid-19 response ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Halos kalahating taon mula nang isailalim sa quarantine ang bansa, ipinahayag ng Malacañang na kailangang bigyan ng “very good grade” ang  naging pagtugon ng pamahalaan sa Covid-19 pandemic.

“I would give it a grade of 85 percent,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, ang mataas na marka ay dahil sa mababang case mortality rate na kasalukuyan ay nasa 1.7 percent.

Aniya, “Yan naman po ang importante kapag may pandemya, dapat alagaan ang karapatan mabuhay ng mga mamamayan.”

Hindi rin aniya overwhelmed ng pandemiya ang sistemang pangkalusugan ng bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 13, nasa 50 percent ang availability ng intensive care unit (ICU) beds, 56 percent para sa isolation beds, at 52 percent para sa ward beds. Nasa 73 percent naman ang ventilators.

Pinuri rin ng tagapagsalita ng pangulo ang testing efforts ng bansa, batay sa huling datos na nagpapakitang nakapagtest na ng mahigit 3 milyon ang bansa.

Gayunpaman, inamin naman ni Roque, na kinakailangan pang paigtingin ng bansa ang contact tracing nito.

Aniya, “Ngayong na-approve na po ang Bayanihan 2 and we will have ₱5 billion allotted for additional tracers, tingin ko po we will have major inroads and successes using also the Magalong formula, na kailan lang naman po natalaga bilang tracing czar.”

LATEST

LATEST

TRENDING