PRRD, posibleng i-extend ang national state of calamity

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Malaki ang posibilidad na papalawigin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deklarasyon ng national state of calamity sa bansa bunsod ng Covid-19 pandemic, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 14.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng i-extend ni Duterte ang Proclamation 929 na nagpasailalim sa Pilipinas sa state of calamity sa loob ng anim na buwan, dahil wala pang bakuna kontra Covid-19.

Ang nasabing proklamasyon ay inisyu noong Marso 16 at nakatakdang magwakas sa Setyembre 16.

“Most likely po [it will be extended], dahil habang wala pong bakuna, habang walang gamot sa Covid, patuloy po ang epekto ng pandemya,” ani Roque.

Sa ilalim ng naturang presidential proclamation, minamanduhan ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan at LGUs na magpatupad ng mga hakbang upang mapigilan at masugpo ang paglaganap ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING