PRRD, inutusan ang DFA na tukuyin ang stranded OFWs sa ibang bansa dahil sa pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa pagkalat ng mga balita tungkol sa mga manlalayag na na-stranded sa kani-kanilang mga barko dahil sa Covid-19 pandemic, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 14 sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tukuyin ang mga stranded na Pilipino sa ibang bansa.

Humingi ng tulong si Duterte sa commercial, police, at military attachés ng DFA sa buong mundo para matukoy ang mga stranded na Pilipino sa lupa at dagat, at mag-ulat ang mga ito mula sa kanilang areas of responsibility.

In the so many places around the world where Filipinos are working, some are still in the limbo (Sa maraming lugar sa mundo na may mga Pilipino, marami pa rin ang nakatengga), hindi nila alam kung saan sila pupunta, and kung makauwi pa ba sila o hindi,” ani Duterte.

Maraming Pilipinong manlalayag, lalo na ang mga nasa cargo ships, ang napilitang manatili sa kani-kanilang mga barko, dahil sa pagbabawal na makadaong dahil sa pangamba tungkol sa paglaganap ng Covid-19.

“Nakakaawa, a human being should never be a commodity that’s just left behind to rot (ang tao ay hindi bagay na iniiwan para mabulok). These are human beings and Filipinos (Mga tao ito at Pilipino),” dagdag pa ng pangulo.

Samantala, ipinahayag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mahigit 200,000 overseas Filipino workers na apektado ng pandemiya ang nakauwi na ng bansa.

Batay sa datos noong Setyembre 13, umabot na sa 200,431 OFWs ang na-repatriate, habang mahigit 80,000 naman ang inaasahang makakauwi bago magtapos ang taon. Mahigit 400 OFWs ding stranded sa Sabah ang natakdang makauwi sa susunod na Lunes.

Ayon naman sa datos ng DFA, nasa kabuuang 10,314 overseas Filipinos sa 76 na mga bansa ang tinamaan ng Covid-19, kung saan 6,554 ang gumaling habang 772 ang nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING