Malacañang: PRRD, nag-file ng SALN, walang inililihim

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nag-file si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa mga taong 2018 at 2019, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 15 bagama’t sinabi ring hindi available ang mga ito sa publiko.

Pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga agam-agam na nais magtago ng impormasyon si Duterte mula sa taumbayan, dahil ang pangunahing executive order umano ng nito nang maupo sa puwesto ay tungkol sa transparency.

What I’m sure about is that it has been filed (Tiyak akong na-file ito),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “I don’t think the President is keeping anything from the public (Sa tingin ko walang tinatago ang pangulo sa publiko).”

Ayon kay Roque, puwedeng mag-request ang mga mamamahayag ng kopya ng SALN ni Duterte sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, ang kanyang bersyon ng Freedom of Information para sa executive branch ng pamahalaan.

Subalit, bagama’t marami nang requests mula sa reporters, hindi pa umano isinasapubliko ang mga dokumento.

Noong 2019, sinabi naman ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nakadepende sa Ombudsman ang pagsasapubliko sa SALN ng pangulo.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan ay minamanduhan na mag-file ng SALN.

Ang pagsasapubliko sa SALN ng matataas na opisyal ng pamahalaan ay mahalaga upang matiyak ang transparency at accountability dahil nakatutulong ito sa lifestyle check ng ma opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING