Hontiveros, hinikayat si Duque na magbitiw bilang ‘delicadeza’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dapat na umanong mag-resign si Health Secretary Francisco Duque III bilang “delicadeza,” pahayag ni Sen. Risa Hontiveros noong Setyembre 16 dahil sa pagkakasangkot ng kalihim sa mga anomalya ng PhilHealth.

Ilang beses nang hinikayat ng mga senador si Duque na magbitiw sa puwesto dahil sa aniya’y “kapabayaan nito bilang lider” sa pagtugon sa Covid-19 pandemic.

“Kahit kaunting delicadeza sa taumbayan, I strongly suggest that Secretary Duque resign,” ani Hontiveros.

Hinikayat din ng senadora ang Task Force PhilHealth na i-review ang listahan nito ng mga opisyal na nakitaan nito ng administrative at criminally liability tungkol sa alegasyon ng kapabayaan sa iregular na fund disbursements sa loob ng PhilHealth.

“‘Di pa nga natin alam kung si Secretary Duque ay negligent, complicit, incompetent pero yung 3 public hearings namin sa Senado ay klarong binunyag yung pagkabigo ng pamumuno ni Secretary Duque, yung pagkabigo ng ating health system sa ilalim ng kaniyang pamumuno,” giit ni Hontiveros.

Dagdag pa nito, “Kung naniniwala talaga tayo na karapatan ng mga Pilipino ang kalusugan at naniniwala tayo na karapatan ng mga Pilipino na magkaroon tayo ng isang malinis na gobeyrno, isasama dapat si Secretary Duque sa charges.”

Ipinahayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo na buo pa rin ang tiwala nito kay Duque bagama’t kaliwa’t-kanan na ang panawagan para sa resignasyon nito.

LATEST

LATEST

TRENDING