Roque: ‘Staycation’ sa Metro Manila, bigyan ng pagkakataon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Ang pagpapahintulot ng pamahalaan para sa “staycations” sa Metro Manila at sa iba pang general community quarantine (GCQ) areas ay hudyat aniya ng muling pagbubukas sa turismo ng Kamaynilaan, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 14.

Nitong weekend, naunang ipinahayag ng Department of Tourism na inaprubahan na ng Inter-agency Task Force ang staycations o short-term leisure stays sa mga hotels.

That marks the beginning of the reopening of our tourism industry here in Manila (Ito ang umpisa ng muling pagbubukas sa industriya ng turismo sa Manila),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa nito, “Let’s give it a chance (Bigyan natin ito ng pagkakataon) dahil gaya po ng ating ad campaign, pwede naman pong pag-ingatan ang buhay para po makapag-hanapbuhay ang lahat.”

Pinabulaanan naman ng tagapagsalita ng pangulo ang mga pangambang maaari itong magdulot ng pagdagsa ng mga tao sa labas ng kani-kanilang mga tahanan habang nasa gitna ng pandemiya, dahil kabahagi aniya ito sa estratehiya ng pamahalaan hinggil sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

Aniya, “Talagang unti-unti nating binubuksan ang ating ekonomiya at ito pong pinaplano natin ng DOT ay alinsunod naman sa unti-unting pagbubukas ng sektor ng turismo.”

Lubhang naapektuhan ang sektor ng turismo sa buong mundo dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic bunsod ng paghihigpit sa paggalaw ng tao upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus.

Dahil dito, napilitan ang industriya na magbawas ng mga empleyado, lalo na sa mga airlines at travel agencies.

Ang malaking bahagi ng bansa ay nasa magaang klaspikasyon na ng community quarantine maliban na lamang sa Iligan City, Bacolod City, at Lanao del Sur na nananatiling nasa mahigpit na modified enhanced community quarantine hanggang sa dulo ng buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING