Roque: PRRD, nangakong bibigyan ng hustisya si Jennifer Laude

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nangako lamang aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ng hustisya para sa pinatay na Pilipinang transgender na si Jennifer Laude, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 14 matapos madismaya ang pamilya Laude sa ginawang paggawad ni Duterte ng absolute pardon sa killer nitong si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa ina ni Jennifer na si Julita Laude, sumama ang kanyang loob nang gawaran ng pardon si Pemberton dahil nangako umano si Duterte na hindi niya papalayain ang banyaga.

Aniya, “Sumama ang loob ko dahil ang buong akala ko na maging ang Pangulo… hinding-hindi niya papayagan na makalaya si Pemberton.”

Subalit, ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nagsilbing abogado ng pamilya Laude, na ninais lamang ng pangulo na tiyakin ang hustisya para sa biktima sa halos anim na taong pagkakakulong ni Pemberton.

“Hindi po na-meet ni Mrs. Laude ang ating Presidente. Ang alam ko po walang ganyang promise ang Presidente. Ang pangako po ng Presidente, bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Jennifer Laude at nakulong naman po si Pemberton ng halos 6 na taon,” paliwanag ni Roque.

Sinabi naman ni Roque na binigyan umano ng ayudang pinansyal ni Duterte ang pamilya Laude sa loob ng tatlong beses bagama’t hindi ibinunyag ang halaga.

Ginawaran ng pangulo ng absolute pardon si Pemberton, na hinatulang guilty noong 2015 dahil sa pagpatay kay Laude, ilang araw lamang matapos ipag-utos ng isang korte na eligible na para sa early release ang Amerikano alinsunod sa good conduct. Nakaalis naman ng bansa si Pemberton sakay ang eroplanong pangmilitar noong Setyembre 13.

“Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien…Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa rin bansag sa kanya ‘convicted killer Pemberton’,” dagdag pa ni Roque.

Kahit na ipina-deport na pabalik sa Estados Unidos, binanggit ni Roque na posible pa rin umanong maharap sa karagdagang penalties abroad si Pemberton dahil itutuloy pa rin aniya ang court-martial proceedings laban sa kanya.

“Ang pangako po nila, kung makakalabas si Pemberton, ibig sabihin matatapos lang ang proseso sa Pilipinas. Pero pag-uwi daw ni Pemberton tuloy pa rin ang kaniyang court martial proceedings,” ani Roque.

LATEST

LATEST