Pemberton, ipinahayag ang ‘sinserong pakikisimpatya’ sa pamilya Laude

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton
Larawan mula sa: Bureau of Imigration

Naki-simpatya si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ni Jennifer Laude—halos anim na taon na ang nakalilipas mula nang pinaslang nito ang Pilipinang transgender noong 2014.

Ibinahagi ng abogado ni Pemberton ang kanyang mensahe noong Setyembre 13— parehong araw kung kailan ipina-deport pabalik ng Estados Unidos ang Amerikanong serviceman.

To the family of Ms. Jennifer Laude, he extends his most sincere sympathy for the pain he caused (Sa pamilya ni Ms. Jennifer Laude, ipinapahayag niya ang kanyang sinserong pakikisimpatya para sa sakit na kanyang idinulot),” pahayag ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Flores.

Ayon sa liham, nakasaad na ginamit umano ni Pemberton ang kanyang oras habang nakakulong para pag-isipan ang mga maling nagawa tungkol sa gabi nang kanyang pagpatay kay Laude noong Oktubre 11, 2014.

He wishes he had the words to express the depth of his sorrow and regret (Humihiling siya na sana maisalin niya sa mga salita ang kanyang kalungkutan at pagsisisi),” dagdag pa ng mensahe.

Noong umaga ng Setyembre 13, nakalaya na si Pemberton mula sa solitary confinement sa Camp Aguinaldo matapos lamang ang limang taon at sampung buwang pagkakakulong.

Nagpasalamat din ang Amerikanong sundalo kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paggawad sa kanya ng absolute pardon.

Una ring nabanggit ni Flores na ninais ni Pemberton na makausap ang pamilya Laude dahil sa kagustuhan nitong personal na humingi ng tawad sa kanila.

Subalit, tinanggihan ito ng mga awtoridad at sinabing nagkaroon siya ng pagkakataon noong ito ay nakakulong pa.

Samantala, bilang pagtugon sa mensahe ni Pemberton, hiniling naman ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Virgie Suarez ang pagkakaroon ng “peace of mind” ni Pemberton.

LATEST

LATEST