Mga sementeryo sa Metro Manila, sarado mula Okt. 29 hanggang Nob. 4

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na ipasara ang lahat ng mga sementeryo sa rehiyon sa darating na Undas dahil sa Covid-19 pandemic, ayon sa representante nito noong Setyembre 14.

Napagkasunduan ng mga alkalde at 8 Cabinet secretaries na itakda ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para sa parehong mga pampubliko at pribadong sementeryo nang magpulong ang mga ito noong Setyembre 13, wika ni Metro Manila Council (MMC) chairperson Edwin Olivarez. 

“Pinagkasunduan po [ito] para unified, iisang policy lang ang i-implement natin sa darating na Undas,” ani Olivarez, na siya ring mayor ng Parañaque City.

Unang nag-anunsyo ang Maynila ng apat na araw na pagsasara sa lahat ng mga sementeryo nito.

Ayon kay Olivarez, imo-monitor ng mga pulis at barangay officers ang mga sementeryo para tiyaking nasusunod ang health protocols.

Papahintulutan din ang mga manininda bago sumapit ang mga itinakdang araw ng pagsasara.

Nananatiling bawal naman ang pag-inom ng alak at pagsusugal, dagdag pa ni Olivarez.

LATEST