Drilon, nais isama ang SAP sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Upang mabawasan ang epekto ng Covid-19 sa mga Pilipino at mapigilang humantong sa kahirapan ang milyun-milyon, iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na isama ang social amelioration program (SAP) sa ipinapanukalang PHP4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Aniya, “Ang kailangan ngayon ay tulong — walang pagkain, walang trabaho. Mas dumami ang pamilya na mas mahirap ngayon dahilan sa pandemic.We should therefore continue the SAP (Kaya dapat ipagpatuloy ang SAP).”

Dapat aniyang ipagpatuloy ang pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng pandemiya hanggang sa susunod na taon.

The way I see it, the proposed 2021 budget basically leaves the poor to fend for themselves. If we do not increase the allocation for the social services sector, then poverty could be even worse next year. We will be wasting away years of strategies to end poverty. We were winning the war against poverty before the pandemic. We can still win it by providing more meaningful assistance to the poor (Sa nakikita ko, sa 2021 badyet, hinahayaan lang ang mga mahihirap. Kung hindi natin tataassan ang alokasyon para sa social services, posibleng lumala ang kahirapan. Magsasayang tayo ng ilang taon para wakasan ang kahirapan. Napagtatagumpayan na natin ang laban kontra kahirapan bago pa man ang pandemiya. Maipagpapatuloy natin ito sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mahihirap),” paliwanag ni Drilon.

Ayon naman sa government think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS), posibleng umabot sa 5.5 milyong Pilipino ang maghirap kung walang ayuda mula sa pamahalaan.

Ipinanawagan ito ni Drilon ang kanyang mungkahi kasabay nang pagkakadiskubre ng P469 bilyong halaga ng lump-sum appropriations sa National Expenditure Program (NEP) na inilaan para sa iba’t-ibang infrastructure projects na ni-request ng mga kongresista.

Iginiit ni Drilon na labag sa konstitusyon ang lump-sum appropriations dahil sa naging kapasyahan ng Korte Suprema tungkol sa pork barrel case.

Samantala, sinabi naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na magsusumite ang kanyang ahensya ng listahan ng mga proyektong popondohan sa ilalim ng mga nasabing lump-sum appropriations.

Dagdag pa ni Drilon, dapat makatanggap ng mas malaking badyet ang social service sector kumpara sa imprastraktura ngayong panahon ng pandemiya.

“What we need is direct and immediate government assistance through the SAP. Ang sabi nga aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo,” wika ng senador.

Hihikayatin niya umano ang Senate committee on finance na kumalapa ng pondo mula sa badyet na maaaring gamitin bilang pangtustos sa SAP.

LATEST

LATEST

TRENDING