Poe, kinuwestyon kung bakit mas mataas ang badyet sa flood control projects vs. DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Sen. Grace Poe

Kinuwestyon ni Sen. Grace Poe noong Setyembre 10 kung bakit mas mataas ang 2021 budget allocation para sa flood control projects na nasa P18.78 bilyon kumpara sa budget para sa Department of Health (DOH), na siyang nangunguna sa laban kontra Covid-19 sa bansa.

Sa ilalim ng proposed 2021 spending bill, hindi bababa sa P150 bilyon ang inilaan para sa flood control projects habang P131.22 bilyon lamang ang inilaan para sa DOH.

Since COVID-19 is still present, one would assume that including our health facilities would be the priority (Dahil narito pa rin ang Covid-19, iisipin ng tao na dapat mas bigyang prayoridad ang health facilities),” giit ni Poe.

Dagdag pa ng senadora, “Environmental factors should not be neglected and there are really some legitimate flood control projects, but there are a few flood control projects that are questionable because it’s hard to keep track of them if they were really done (Dapat hindi pabayaan ang kalikasan at dapat pagtuunan ang lehitimong flood control projects, subalit may iilang flood control projects na kwestyunable dahil hindi matukoy kung nagawa nga ba ang mga ito).”

Gayunpaman, ang pondong inilaan aniya para sa flood control projects ay hindi “absolute” o tiyak at maaari pa itong baguhin ng Kamara, ayon naman kay Budget Secretary Wendel Avisado said.

We need to strike a balance between health and economy, but we are not saying we are absolute in our calculation (Dapat pagbalansehin natin ang kalusugan at ekonomiya, subalit hindi natin sinasabing tiyak na ang kalkulasyon),” ani Avisado.

Ayon kay Poe, tatalakayin niya umano ang usaping ito sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang linawin kung bakit mas mataas ang pondo ng flood control projects habang nasa gitna ng pandemiya ang bansa.

Binansagan naman ni dating House Majority Leader Rolando Andaya na bagong “cash cows” ng mga pulitiko at contractors ang flood control projects dahil mahirap itong inspeksyunin kung sinusunod nga ba ng mga contractors ang required foundation depth at height ng anti-flood walls.

Sa ilalim ng 2019 budget, halos one-fourth ng proposed P544.5-bilyong pondo ng DPWH ang inilaan para sa flood control programs, dagdag pa ni Andaya.

LATEST

LATEST

TRENDING