89 brgy captains, sinuspinde dahil sa maanomalyang SAP distribution

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Dose-dosenang barangay officials ang sinuspinde dahil sa pagkakasangkot sa mga iregularidad hinggil sa pamamahagi ng ayudang pinansyal para sa mga maihirap na pamilyang apektado ng Covid-19 pandemic, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) noong Setyembre 12.

Hindi bababa sa 89 barangay captains ang sinampahan ng 6-month preventive suspension ng Office of the Ombudsman, dagdag pa ng DILG.

“Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” giit ni DILG Secretary Eduardo Año.

Inaksyunan ng Office of the Ombudsman ang mga inihaing reklamo ng DILG laban sa mga tiwaling barangay officials.

Sa isang kautusan na may petsang Setyembre 2, 2020, sinabi ng Office of the Ombudsman na batay sa nakalap na ebidensiya, malakas ang “guilt” ng mga punong barangay na ito at ang mga inihaing kaso laban sa kanila ay kinabibilangan ng “Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service” na maaari nilang ikatanggal sa puwesto.

Ayon kay Año, nangunguna ang Region I, National Capital Region, at Region II sa mga may pinakamaraming suspendidong punong barangays. Ang Cordillera Administrative Region at Caraga ang may pinakakonting bilang ng suspendidong PBs.

Hinikayat din ng DILG ang mga pamahalaang lokal na kinabibilangan ng mga punong barangay na agarang ipatupad ang suspension order.

Isinampa rin ang mga kasong kriminal laban sa 447 na mga indibidwal dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 11469 (Bayanihan Act I), at RA 6713 (Code of Conduct of Government Officials and Employees), bunsod ng maanomalyang pagpapatupad sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa 447 na mga suspek, 211 ay mga inihalal na lokal at barangay officials, 104 ang appointed barangay officials, at 132 naman ang mga kasabwat na sibilyan.

Ang mga nasabing kaso ay kasalukuyan ng hawak ng iba’t-ibang City at Provincial Prosecutors sa buong bansa, wika ng DILG.

LATEST

LATEST

TRENDING