
Mahigit isang libong jeepney units ang maaari nang magbalik-pasada sa kani-kanilang mga ruta simula Lunes, Setyembre 14, parehong araw ng pagpapagaan ng pamahalaan sa isang metrong distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Sa inilabas na advisory noong Setyembre 12, sinabi ng Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinahintulutan na nito ang 1,159 traditional jeepneys na magbalik-oeprasyon sa 28 na ruta sa Metro Manila.
Ang mga sumusunod na ruta ay maaari nang magbalik-operasyon alinsunod sa Memorandum Circular 2020-046 ng LTFRB:
T140 Araneta University – Victoneta Ave./McArthur
T141 SM North EDSA – Luzon Ave. (Puregold)
T142 Balintawak – PUC via Baesa
T143 BF Homes – Novaliches
T144 Novaliches – Bignay
T145 Novaliches – Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches
T146 Novaliches – Shelterville via Congressional
T147 – Novaliches – Urduja
T148 Novaliches Town Proper – Barangay Deparo
T149 Grotto, San Jose Del Monte, Bulacan – Novaliches
T240 Aurora/Lauan – EDSA North Ave.
T241 Cubao – Proj. 2&3 via 20th Ave., P. Tuazon
T242 Calumpang – LRT 2 (Katipunan Ave.) via Aurora Blvd.
T340 Bel-Air – Washington
T341 Brgy. North Bay Boulevard – Pier South via Road 10
T342 Divisoria – Pier South via Delpan
T343 Kalentong/Romualdez – San Juan Via Little B
T344 Kayamanan C – Washington
T345 L. Guinto – Zobel Roxas via Paco Market
T346 Pier South – San Andres
T347 Blumentritt – Libertad via Quiapo,Mabini
T348 Blumentritt – Pier South via Sta. Cruz
T349 Brgy. Bagong Silangan – Marcos Ave. Sampaguita
T350 Dapitan – Delos Reyes/P. Campa via Andalucia/Laong Laan
T351 Kamuning – Vito Cruz via E. Rodriguez, A. Mabini
T409 Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison)
T409 Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison) via Katarungan Village
T410 Alabang – Bagumbayan via Bicutan FTI SSH Loop
Ang mga QR codes na ibibigay sa mga jeepney operators at drivers ay dapat i-display sa kani-kanilang mga units kapag inaprubahang maaari na silang makadaan sa mga nakatalagang ruta at maaari nang makapagsakay ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan, mayroong 17,372 authorized jeepneys na maaaring pumasada sa 206 na ruta. Kabuuang 3,854 buses naman ang pinayagan sa 32 na mga ruta. Ang mga taxis naman ay nasa 20,891, habang ang awtorisadong transport network vehicle services (TNVS) ay nasa 23,968.
Upang matugunan ang mas maraming commuters, inanunsyo ng Department of Transportation na ang required distance sa mga pampublikong sasakyan ay ibababa sa 0.75 meters simula Lunes.
Sa Setyembre 28, ito ay mas paiikliin nang 0.5 meter, at ibababa naman sa 0.3 meter sa Oktubre 12.