Pemberton, napa-deport na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton
Larawan mula sa: Bureau of Imigration

Sumailalim na sa final immigration procedure si convicted killer US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, 25, sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bago ito magtungo sa Ninoy Aquino International Airport para sa kanyang deportation sa Linggo, Setyembre 13, 2020.

Si Pemberton ay kumuha ng US C-130 plane na umalis ng 9:14 a.m.

Ang Amerikanong serviceman ay ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon noong Setyembre 7 matapos ang halos limang taong pagkakakulong dahil sa pagpatay nito sa Pilipinang transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Habangbuhay nang banned si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Pilipinas matapos isakatuparan ang kanyang deportation, ayon naman sa Bureau of Immigration (BI) noong Setyembre 12.

“It comes with the deportation. Lahat ng foreign national na dine-deport natin they are included in our blacklist, perpetual po ‘yan, ‘di na papayagang bumalik ng Pilipinas,” giit ni BI Spokesperson Dana Sandoval.

LATEST

LATEST