Pamahalaan, naghahanda sa paggamit ng antigen tests para sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Magdadagdag ang pamahalaan ng hindi bababa sa 5,000 beds sa iba’t-ibang isolation facilities sa bansa, kasabay nang pagpapaigting nito sa hakbang na makapagtest ng mas maraming Pilipino para sa Covid-19.

Ipinahayag din ni testing czar Vince Dizon noong Setyembre 12 na ang paggamit ng antigen tests – na inaasahang makapaglabas ng Covid-19 tests results sa loob ng 15 minuto – ay makapagtataas sa bilang ng mga taong kinakailangang i-isolate.

“Kaya kailangan po ma-isolate sila nang mabilis at ma-trace po ang kanilang mga contact at naniniwala tayo sa bagong intervention na ito ay lalo mapapabilis at mapapaigting ang ating response sa COVID-19 habang dahan-dahan nating binubuksan ang ating ekonomiya,” ani Dizon.

Nauna ring sinabi ni Dizon na pinag-aaralan ng gobyerno ang posibilidad ng paggamit ng antigen tests para i-screen ang mga lokal na biyahero at mga nagsisipag-uwiang mga Pilipino.

Tiniyak din ng Department of Health na gagamit lamang sila ng antigen tests na may hindi bababa sa 80 percent capacity. 

Inaasahan ding tataasan ng pamahalaan ang testing capacity nito sakaling i-roll out na ang antigen tests.

LATEST

LATEST

TRENDING