OVP, naglunsad ng online platform para sa mga naghahanap ng trabaho

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangalawang Pangulo Leni Robredo
Kuha ni: Jay Ganzon (ABS-CBN News)

Naglunsad ang tanggapan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ng libreng online platform para sa mga nagnanais humanap ng trabaho at para sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga manggagawa, habang milyun-milyon ang nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Ang Sikap.PH website ay mayroong 2,796 job openings mula sa iba’t-ibang kumpanya, batay sa datos noong Setyembre 10, ayon sa Office of the Vice President. 

We have been receiving a lot of SOS messages from people looking for work. When we were doing our shuttle services, we had passengers who were doing door-to-door job applications (Nakatatanggap kami ng maramig SOS messages mula sa mga taong naghahanap ng trabaho. Noong ginagawa namin ang aming shuttle services, may mga pasahero kaming nagdo-door-to-door job applications),” ani Robredo.

Dagdag pa ng bise-presidente, “We hope that, through this platform, they would have an easier time finding work opportunities (Umaasa kami na sa platform na ito, magkakaroon sila ng mas madaling pamamaraan ng paghahanap ng trabaho).”

Ang tech company na Elevatech Solutions ang gumawa sa website na Sikap.PH, ayon sa OVP. Tinatawag naman ito ng ahensya na “bayanihanapbuhay”.

Ayon sa OVP, ang nasabning proyekto ay suportado rin ng EMS Services Philippines, Inc. (ESPI), D.M. Consunji, Inc., Lots’a Pizza, Concentrix, Empire East Land Holdings, AECOM Philippines, GET Philippines, McBride Corporation, Omni Petroleum Corp, at Solarwinds Software Asia PTE LTD – Philippines Branch.

Ang iba pang mga kumpanya na nais namang lumahok ay maaring magpadala ng kanilang mga detalye sa bayanihanapbuhay@ovp.gov.ph. 

Basahin kung paano magagamit ang platform:

LATEST

LATEST

TRENDING