Mga sementeryo sa Metro Manila, isasara sa Undas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Lynzy Billing (The Guardian)

Isasara ang mga sementeryo sa Metro Manila pagsapit ng All Saints’ Day, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) noong Setyembre 13.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nagkasundo ang lahat ng Metro Manila mayors para isakatuparan ang hakbang at magpupulong muli ang mga ito upang talakayin ang mga guidelines para sa implementasyon nito.

Naunang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Setyembre 8 ang kanyang direktiba na ipasara ang lahat ng sementeryo at kolumbaryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Ito aniya ang mga araw kung kailan dumadagsa ang mga tao sa mga sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Yorme, hindi niya gustong magkaroon ng mga malawakang magtitipon subalit papahintulutan pa rin ang mga sementeryo na magpapasok ng limitadong bilang ng tao bagp sumapit ang Oktubre 31.

Sumunod naman sa hakbang ng Maynila ang San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, Malabon, Makati and Parañaque.

Naghain din ng parehong kautusan ang Cebu City sa Central Visayas.

Para sa Mandaluyong, Valenzuela, at Cebu City, mas mahaba ang pagsasara mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Nilinaw naman ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na sa kanyang inilabas na executive order, magpapatuloy pa rin ang interment at cremation services sa mga petsa ng pagsasara ng mga sementeryo.

Para naman sa Pateros, Marikina, at Parañaque, ang pagpapasara ay mula Okt. 31 hanggang Nob. 2.

Bukod sa tatlong araw na closure, ipinahayag naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na magpapatupad din ang lungsod ng regulated cemetery visits mula Okt. 15 hanggang Nob. 30.

LATEST

LATEST