Baguio, magsasagawa ng ‘dry run’ para sa paparating na mga turista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mau Victa (Rappler)

Magsasagawa ng “dry run” ang Lungsod ng Baguio ngayong linggo bunsod ng pagdating ng mga turista mula Ilocos region, ayon sa alkalde ng siyudad noong Setyembre 13.

Ipinahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kasalukuyang inaaayos ng lokal na pamahalaan ang procedures at tests nito para sa mga turista mula sa nasabing rehiyon.

Aniya, “We’re getting ready. Pero, siyempre, lahat ng darating na turista from Region 1 will have to undergo certain procedures and tests.”

Ang mga turista ay sasailalim sa triage at antigen test para sa coronavirus na magiging valid sa loob ng limang araw, dagdag pa ni Magalong.

LATEST

LATEST