PNP, naghahanda na para sa darating na Undas sa panahon ng pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kinilala ng Joint Task Force Covid Shield ang temporaryong pagpapasara ng mga sementeryo upang maiwasan ang pagdagsa ng mga taong bibisita sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay sa darating na Undas.

“Na-experience natin ‘yan na itong October 31 at November 1 dudumugin ng tao at siguradong magkakaproblema tayo d’yan kung kaya’t ‘yan ay isasarado at gagawin po ‘yan na spread out sa ibang araw ay napakaganda,” ani JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Sinabi rin ni Elezar na patuloy na mino-monitor ng pulisya ang mga kaganapan at lagi rin silang handa para mag-adjust.

Aniya,  “Ang ating kapulisan mag-aadjust ‘yan kung ano man ang ipapatupad base na rin sa guidelines na ilalabas ng Inter-Agency Task Force.”

Samantala, nauna namang binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magpapatupad sila ng alternaibong hakbang para makadalaw pa rin ang publiko sa kanilang mga yumao pagsapit ng Undas.

“Makapag-adjust naman tayo kung sakaling sarado sila o kung color coded scheme ang gagawin, yan po ay ipapatupad ng ating mga pulis base sa guidelines,” dagdag pa ni Eleazar.

Nauna ring nag-anunsyo ang Lungsod ng Maynila na isasara nito ang mga sementeryo sa siyudad mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 upang mapigilan ang hawaan ng Covid-19.

Sumunod naman sa hakbang ng Maynila ang Lungsod ng Marikina at Angeles City sa Pampanga.

“Ang ating pulis nakikipag-coordinate sa mga namamahala ng mga kolumbaryo at mga sementeryo at maglalabas sila ng mga alituntunin. Pero ‘yung mga violations natin na lalabag sa mga existing ordinansa, ipatutupad po natin yan,” pagbibigay diin ni Eleazar. 

LATEST

LATEST

TRENDING