Physical distancing sa pampublikong transportasyon, pagagaanin simula Setyembre 14

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jansen Romero (Manila Bulletin)

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong Setyembre 11 na paluluwagin na ang social distancing rules sa mga pampublikong transportasyon simula Setyembre 14.

Ayon sa isinumiteng proposal ng DOTr sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), posibleng i-adjust ang physical distancing sa 0.75 meters mula sa dating 1 meter dahil ipinatutupad naman na aniya ang mandatoryong pagsusuot ng face masks at face shields.

Mula rito, puwede itong i-adjust pa sa 0.5 meters at kinalaunan sa 0.3 meters para madagdagan ang mga sumasakay, pahayag ng ahensya.

Nauna namang sinabi ng mga eksperto na nakababawas sa pagkahawa ng Covid-19 ang pagsusuot ng face masks at face shields.

Inaprubahan naman ng IATF ang panukalang isinumite ng Economic Development Cluster (EDC) at DOTr para bawasan ang physical distance sa pagitan ng mga commuters.

There is a need to safely optimize the carrying capacity of the various public transport modes as Metro Manila and its adjacent areas continue with the transition towards the “new normal” where more workers are expected to return to their re-opened work places and more businesses are expected to resume operations that were stopped during the enforcement of strict quarantine measures (Kinkailangang ligtas na i-optimize ang carrying capacity ng mga pampublikong transportasyon habang nagtatransisyon ang Metro Manila at mga karatig-lugar sa “new normal” kung saan mas maraming mga manggagawa at negosyo ang inaasahang magbabalik operasyon),” ani Transportation Secretary Arthur Tugade.

Kapag naipatupad, ang adjusted capacity ng railway lines bawat trainset na may bawas na physical distancing ay ang sumusunod:

LRT-1

  • 1-meter: 155
  • 0.75-meter: 204
  • 0.5-meter: 255
  • 0.3-meter: 300

LRT-2

  • 1-meter: 160
  • 0.75-meter: 212
  • 0.5-meter: 274
  • 0.3-meter: 502

MRT-3

  • 1-meter: 153
  • 0.75-meter: 204
  • 0.5-meter: 255
  • 0.3-meter: 286

PNR

  • 1-meter: 166
  • 0.75-meter: 184
  • 0.5-meter: 256
  • 0.3-meter: 320

Pagtaas sa passenger capacity para sa roll-on, roll-off passenger vehicles:

  • 1-meter: 50%
  • 0.75-meter: 75%
  • 0.5-meter: 85%
  • 0.3-meter: 100%

Para naman aniya sa mga bus at jeepney, ang pagbabawas sa physical distance ay nangangahulugang puwede na ang standing passengers, dagdag pa ng DOTr.

LATEST