IATF, inaprubahan ang ‘staycation’ sa mga hotels na nasa GCQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

Posible nang tumanggap sa nalalapit na hinaharap ng mga bisitang nagnanais mag-“staycation” ang mga hotels sa mga  general community quarantine (GCQ) areas bukod sa mga health workers at exempted employees, pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Setyembre 11.

Upon the recommendation of the Department of Tourism (DOT) to explore various ways in restarting tourism activities during quarantine, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) approved during its Principals Meeting on 10 September 2020 to allow staycations under GCQ (Inaprubahan na ng IATF, sa rekomendasyon ng DOT, ang staycations sa ilalim ng GCQ),” giit ni Romulo-Puyat.

Ayon sa kalihim, ang ibig sabihin ng staycation ay “minimum overnight stay for leisure purposes” sa isang DOT-accredited accommodation establishment na malapit sa tirahan ng isang tao.

Halimbawa, ang mga residente ng Metro Manila ay maaaring mag-check-in sa hotel na sakop ng National Capital Region (NCR) alinsunod sa mga requirements na ipinatutupad ng nasasakupang local government unit (LGU).

Sinabi ni Romulo-Puyat na nakatakdang maglabas ang DOT ng memorandum circular tungkol sa staycations sa ilalim ng GCQ batay sa mga komento at suhestyon ng IATF-EID.

Ang nasabing memorandum circular ay magtataglay din ng mga espesipikong regulasyon sa lahat ng aspeto hinggil sa mga aktibidad ng staycation, tulad ng maximum allowable number of persons sa isang guestroom para gamitin ang ancillary services, kagaya ng restaurants at recreational areas.

Sa Resolution 70 ng IATF, pinahintulutan din ang mga hotels na mag-accommodate ng mga bisita na pasok sa “markets of specialized programs” ng DOT.

Ayon kay Romulo-Puyat, ang mga programang ito ay magpopokus sa “specific target markets” na ligtas na makapagbibigay kontribusyon sa planong pag-arangkada muli ng mga aktibidad pang-ekonomiya  tulad ng turismo.

Tumanggi naman itong magbigay ng impormasyon kung sinu-sino ang mga ita-tag na target markets habang naka-pending pa ang paglalabas ng guidelines

LATEST

LATEST

TRENDING