Duterte, isinabatas na ang Bayanihan 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nilagdaan at ganap nang isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act, na maglalaan ng ₱165.5 bilyong pondo para sa Covid-19 response ng bansa.

Inanunsyo ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagpirma ng pangulo noong Setyembre 11.

Kabilang sa stimulus plan ang ₱140 bilyong halaga ng regular appropriations at karagdagang standby fund ng ₱25.5 bilyon.

Makatatanggap ang Department of Health (DOH) ng ₱3 bilyon para sa additional face masks, personal protective equipment, shoe covers, at face shields, kasama ang ₱13.5 bilyon para sa emergency employment at compensation ng health workers.

₱4.5 bilyon naman ang ilalaan para sa construction ng temporary isolation at quarantine facilities pati na rina ang expansion ng public hospitals.

₱4.5 bilyon din ang nakalaan para sa Department of National Defense para sa isolating at treating ng mga nagsisipag-uwiang overseas Filipino workers na nagpositibo sa Covid-19.

Isang hiwalay na ₱820 milyon naman ang ibinigay sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation efforts.

₱13 bilyon naman ang gagamitin para tulungan ang mga displaced workers sa pamamagitan ng cash-for-work at iba pang uri ng assistance, habang ₱6 bilyon ang ibibigay sa Department of Social Welfare and Development para sa cash assistance sa mga lugar na nasa lockdown.

₱5 bilyon naman ang inilaan para sa hiring at training ng 50,000 contact tracers. ₱10 bilyon naman ang standby para sa Covid-19 testing at pagbili ng mga gamot at bakuna kontra Covid-19.

Kabilang din sa batas ang mga sabsidiya sa iba pang mga sektor:

– ₱39.472 bilyon bilang capital infusion sa government banks;

– ₱24 bilyong assistance para sa mga magsasaka at sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture;

– ₱9.5 bilyon para sa Department of Transportation para sa mga apektadong negosyo

– ₱4.1 bilyon para sa tourism industry, kabilang ang ₱100 milyon para sa training at subsidies ng tour guides;

– ₱4 bilyon sa Department of Education para sa implementasyon ng blended learning

– ₱3 bilyon para sa development ng smart campuses sa buong bansa;

– ₱2 bilyong subsidy para sa pagbabayad ng interest sa local government loans mula sa pampublikong bangkos;

– ₱1.5 bilyong assistance sa local government units

– ₱1 bilyon para sa TESDA scholarships;

– ₱600 milyong subsidies at allowances para sa mga apektadong mag-aaral

– ₱300 milyong subsidies at allowances para sa teaching at non-teaching personnel, at part-time faculty sa state universities and colleges;

– ₱180 milyong allowance ng national athletes at coaches;

– ₱15 milyon para sa Computational Research Laboratory ng UP Diliman;

– ₱10 milyong research fund ng Health Technology Assessment Council;

– at ₱2.5 milyon para sa computer-based licensure ng Philippine Red Cross.

Ipinag-uutos ng Bayanihan 2 Act sa pangulo na magsumite ng ulat sa Kongreso bawat buwan hanggang sa dulo ng taon.

LATEST

LATEST

TRENDING